MEGA CASINO | Carrying capacity ng Boracay, gagawing basehan

Manila, Philippines – Nakadepende sa carrying capacity o bilang ng mga tao na kaya ng isla ng Boracay ang magiging desisyon sa pagpapatayo ng mega casino.

Ito ang sagot ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa planong pagpapatayo ng galaxy entertainment group ng casino sa 23-hectare property.

Dahil dito, inatasan na niya ang ecosystems research and development bureau na alamin ang carrying capacity ng isla.


Ang ECC ay kinakailangan bago ang construction ng bagong structure.

Sa ngayon ay hindi pa umano nagsusumite ang galaxy ng application documents sa kanilang ahensya.

Facebook Comments