Mega drug rehabilitation sa Nueva Ecija, maaring gamitin bilang Mega Drug Enforcement Academy – Senator Sotto

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senate Majority Leader Tito Sotto III na malaki pa rin ang silbi ng Mega Drug Rehabilitation sa Nueva Ecija.

Mungkani ni Sotto, maari din itong gawing world class mega drug enforcement academy na pamamahalaan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Ayon kay Sotto, sa nabanggit na academy magmumula ang libu-libong dagdag na ahente ng PDEA.


Inihalimbawa ni Sotto ang International Law Enforcement Academy sa Bangkok.

Dagdag pa ni Sotto, ang nabanggit na pasilidad ay pwede ring pagdausan ng Drug Interdiction Training Program para sa mga tauhan ng Bureau of Customs, Immigration, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Pwede aniyang kumuha ng guest instructors para dito mula sa police academy ng China, US Federal Bureau of Investigation at Australian Police Academy.

Facebook Comments