Mega Job Fair, ikakasa ng PESO Valenzuela katuwang ang DZXL Radyo Trabaho ngayong araw

Ikakasa ngayong araw ng Valenzuela City Government, Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho ang Mega Job Fair.

Ito ay bahagi ng 122nd Philippine Civil Service Anniversary na gaganapin sa WES Arena sa Barangay Punturin, Valenzuela City kung saan may local at overseas na trabaho ang iaalok.

Magsisimula ang mega job fair ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.


Sa mga magtutungo rito, pinapayuhan na magdala ng maraming kopya ng resume dahil mahigit 50 kompanya ang sumali sa job fair at 4,000 trabaho ang inaalok dito.

Huwag din kalimutan magdala ng sariling ballpen, alcohol at facemask.

May libreng sakay naman na inaalok ang PESO Valenzuela mula Puregold sa Brgy. Dalandanan patungong WES Arena at pabalik.

Katuwang sa job fair na ito ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

May one-stop-shop rin para sa pre-emloyment requirements tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), PAG-IBIG, Philippine Statistics Authority (PSA) at (Philippine Health Insurance Corporation) PhilHealth.

Samantala, ang DZXL Radyo Trabaho ay nangangailangan rin ng news writer at reporter maari kayong dumaan mamaya sa DZXL table at magpasa ng resume.

Maaari ding magpadala ng kopya ng inyong resume sa radyotrabaho@gmail.com o magsadya sa aming himpilan sa 4th floor ng GCC Mall, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Facebook Comments