Mega Job Fair, ilulunsad ngayong araw sa Pasig City

Aarangkada na ngayong araw ang Mega Job Fair para sa Local at Overseas Employment.

Pangungunahan ng Pasig City Public Employment Service Office o PESO ang aktibidad na magsisimula mamayang alas-10:00 ng umaga at tatagal hanggang alas-4:00 ng hapon kasabay ng ika-90 Anibersaryo ng tanggapan.

Nakikipag-ugnayan na ang Pasig LGU sa Department of Labor and Employment o DOLE kung saan halos 40 kompanya ang nakatakdang dumalo sa event.


Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat na makiisa lalo na ang first time job seekers na dumalo at maghanda ng maraming kopya ng inyong mga resume at sariling ballpen.

Maaaring ma-interview ang mga magpapasa ng aplikasyon at posibleng mapabilang sa mga maha-hire-on-the-spot.

Ang nasabing aktibidad ay magsisilbing One-Stop-Shop para sa requirements ng mga nais mag-apply dahil maaari kasing magpaproseso ng mga dokumento gaya ng SSS; Pag-IBIG; BIR; at PNP Police Clearance.

Inaasahan naman na maraming residente ang makikiisa na layong mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho.

Facebook Comments