Muling isasagawa ng lokal na pamahalaan ng Caloocan sa pamamagitan ng kanilang Public Employment Service Office (PESO) ang Mega Job Fair ngayong araw ng Huwebes, November 10, 2022.
Katuwang ng Caloocan PESO ang DZXL Radyo Trabaho kung saan gaganapin ang Mega Job Fair sa Caloocan Sports Complex sa Bagumbong Road, Barangay 171.
Magsisimula ang job fair ng alas-9:00 ng umaga at magtatagal ng hanggang alas-3:00 ng hapon.
Nasa 53 na local company at 2 overseas ang kasama sa Mega Job Fair kung saan nasa 6,500 na trabaho ang iaalok dito.
May itatalaga rin na one-stop-shop para sa pre-requirement tulad ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Statistic Authority (PSA) at Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno (Pag-IBIG).
Hinihimok ng Caloocan Local Government Unit (LGU) at ng DZXL Radyo Trabaho ang lahat na magdala ng maraming kopya ng resume o biodata upang magkaroon na ng pagkakataon na magka-trabaho.