Dinagsa ng mga job seekers ang ikinakasang mega job fair ng Public Employment Service Office (PESO), lokal na pamahalaan ng Maynila ngayong Labor Day.
Ginaganap ito ngayon sa San Andres Sports Complex, ito na ang ika-apat na taon ng ikasa nila ang job fair na tinawag na “Manila Labor Day: Buhay at Kabuhayan tungo sa Marangal na Maynila”
Nasa higit 100 employers ang nakilahok sa mega job fair at higit 1,500 trabaho ang inaaalok dito.
Ilan sa mga trabaho na inaalok dito ay Clerk, Office Staff, Sales Assistant, Service Crew, Maintenance, Call Center Agent, Cashier, Kitchen Staff, Supervisor, Manager at iba pa.
Kaugnay nito, hinihimok ng PESO Manila ang mga High School Graduates, College Level, College at Tech/Voc Graduates lalo na ang mga wala pang trabaho na pumunta sa job fair at baka sakaling ma-hired on the spot.
Hindi na rin mahihirapan pa sa mga requirements dahil may One-Stop-Shop rin na inilagay tulad ng Social Security System (SSS), PhilHealth, Pag-IBIG Fund, Bureau of Internal Revenue (BIR) at Police Clearance mula sa Manila Police District (MPD).
Nagsimula ang job fair ng alas-9:00 ng umaga na magtatagal hanggang alas-3:00 ng hapon, pero maaari naman anila itong palawigin sakaling dumami pa ang mga job seekers na magtutungo sa San Andrea Complex.