
Naging matagumpay ang isinagawang Mega Job Fair kasabay ng ika-73 anibersaryo ng Radio Mindanao Network ngayong araw sa Robinsons, Novaliches Quezon.
Nasa mahigit 500 aplikante ang nagtungo sa job fair para makipagsapalaran na makahanap ng trabaho at umabot sa mahigit 20 ang hired on the spot.
Ayon kay Quezon City Public Employment Service Office o PESO Job Fair Operations Head Jon Tito, naging maayos at maganda ang job fair ngayong araw dahil marami ang dumalo at na-hire.
Aniya, ang mga hindi naman nakapunta sa job fair ay puwede pa ring makahanap ng trabaho sa kanilang opisina sa PESO Quezon City.
Maliban sa job fair mayroon ding libreng pagkain, may isinagawang blood letting activity, one stop shop para sa iba’t ibang serbisyo at libreng gupit.
Katuwang ng RMN ang iFM Manila, DWWW 774 at RMN Foundation.









