
Nagsagawa ng Mega Job Fair ang Deparment of Migrant Workers (DMW) para sa mga marinong Pilipino sa San Andres Sports Complex, Manila ngayong araw.
May temang “Disenteng Trabaho Para sa Marinong Filipino 2025” ang nasabing programa at layon nito na magbigay ng mas maraming oportunidad para sa mga kababayan nating manlalayag.
Aabot sa 2,350 na job offers ang binuksan sa nasabing event.
Nagsagawa rin ng libreng medical mission at wellness service ang DMW para sa mga marinong aplikante.
Ang programa ay bahagi ng 30th National Seafarer’s Day bilang pagkilala sa mga Pilipinong marino na nagpapanatili ng pandaigdigang kalakal at sumusuporta sa kanilang mga pamilya sa bansa.
Facebook Comments









