Mega Job Fair sa Caloocan City, ikakasa katuwang ang PESO Caloocan at DZXL Radyo Trabaho

Ikakasa ngayong araw ang Mega Job Fair ng Caloocan City Government at kanilang Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Mamayang alas-9:00 ng umaga sisimulan ang mega job fair na magtatagal hanggang alas-4:00 ng hapon sa Bulwagang Katipunan, 3rd floor sa Caloocan City Hall Main.

Nasa 65 kompanya ang makikilahok sa nasabing job fair kabilang ang local at overseas kung saan may alok itong 7,304 bakanteng trabaho na maaring applayan.


Bukod dyan ay mayroon din na one-stop-shop para sa pre-employment requirements tulad ng SSS, PhilHealth, NBI, PSA at PAG-IBIG.

Kabilang naman sa mga bakanteng trabaho na pwedeng pasukan ay ang cashier, bagger, stock clerk, accounting staff, office staff, helper, delivery driver, carpenter, mason, welder, merchandiser at marami pang iba.

Bukod dito, ang DZXL RMN Manila ay naghahanap rin ng news writer at field reporter kung saan ang mga interesado ay maaaring magpadala ng updated resume sa dzxlradyotrabaho@gmail.com o kaya magsadya ng personal sa DZXL RMN station sa 4th Floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, EDSA, Makati City.

Facebook Comments