Mega Magazine founder na si Sari Yap, pumanaw na

2463
Image via Mega Magazine

Pumanaw na si Sari Yap, founder ng kilalang fashion magazine na Mega, nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Ria, kapatid ni Sari, binawian ito ng buhay matapos ang pakikibaka sa ovarian cancer.


Ang malungkot na balita ay inanunsyo ng Mega Magazine sa kanilang Facebook page.

“Just as the heavens are draped in an overcast of gray, with rains threatening to fall as if it were tears above, it is with a heavy heart we mourn the passing of our founder and guiding light, Sari Yap, who peacefully joined our creator at 2:07 a.m. today, in the presence of her family who survives her,” nakasaad sa post ng nasabing magazine.

Bukod sa Mega Magazine, isa si Sari sa mga bumuo ng kompanyang One Mega Group, isa sa mga sikat na lifestyle publishing house ngayon sa Pilipinas.

Ang labi ni Sari ay ibuburol sa Santuario de San Antonio Parish sa lungsod ng Makati simula alas-10:00 ng umaga ng Setyembre 11, ayon sa Facebook post ni Suki Salvador, Assistant Vice President for Creatives and Productions ng One Mega Group.

Ilan sa mga artistang nakatrabaho at naging kaibigan ng dating magazine publisher at editor na nakiramay ay sina Tim Yap at Bianca Gonzalez-Intal.

Nagtapos si Sari sa kursong Broadcast Communication sa University of the Philippines-Diliman at kumuha ng master’s degree sa Media Management sa University of Navarre, Spain – na naging dahilan para mabuuo niya ang Mega. 

Facebook Comments

From Advertisers