Mega quarantine facility sa Laguna, bubuksan na sa susunod na buwan – DPWH

Inihayag ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na malapit nang matapos o makumpleto ang ginagawang mega quarantine facility na itinatayo sa Laguna.

Inaasahan ni DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar na magbubukas ito sa darating na Nobyembre.

Aniya, minamadali na ang konbersyon ng CALABARZON Regional Government Center bilang isa sa mga quarantine facility ng bansa.


Ang nasabing pasilidad aniya ay mayroong 600 beds kung saan 50 dito ay para sa mga healthworker.

Tutugon ang naturang quarantine facility sa COVID-19 positive, mild at asymptomatic patients.

Facebook Comments