Mega Star Sharon Cuneta, nagtatampo sa Star Magic

Showbiz – Nagtatampo si Mega Star Sharon Cuneta sa Star Magic dahil sa last minute invitation na natanggap nito para sa taunang ball.

Sa Facebook post ng Mega Star, sinabi niyang kahapon lang niya natanggap ang imbitasyon o isang araw bago ganapin ngayon ang ball.

Nakakalungkot din aniya dahil hindi na siya makakadalo sa espesyal na okasyon kasama si Sen. Kiko Pangilinan dahil kulang na siya sa oras para paghandaan ito.


Facebook Comments