Sarado ngayong araw ang Mandaluyong City Medical Center (MCMC) vaccination site, ang mega vaccination center ng lungsod.
Ayon kay Dr. Alex Sta. Maria, head ng Mandaluyong City Health Office, 500 doses ng Sinovac na lang ang stock ngayon ng COVID-19 vaccine sa lungsod.
Aniya, sapat na lang ito sa para sa isang vaccination site ng lungsod, kung saan inilagay nila ito sa isa sa mega vaccination site sa lungsod na nasa loob ng isang malaking mall.
Dito babakunahan ng unang dose gamit ang Sinovac na mga residente ng lungsod na kabilang sa priority group na A2 at A3 o mga senior citizen at persona with comorbidities.
Bukas din ang Pedro P. Cruz Elementary school na dati nang may nakalaan ng Sinovac vaccine para sa mga senior citizen at persona with comorbidities na babakunahan ng 2nd dose.
Maliban sa MCMC Vaccination site, sarado din ngayong araw ang ilang vaccination facilities ng lungsod tulad ng Hulo Integrated School, Andres Bonifacio Integrated School, Isaac Lopez Integrated School, at La Salle Green Hills.
Samantala, nasa mahigit 71,000 na mga indibiduwal sa lingasod ang bakunahan na laban sa COVID-19.