Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kailangan ng Pilipinas ang “megaphone diplomacy” upang matapatan ang “gunboat foreign policy” ng China.
Kasunod ito ng tweet ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., na nagsasabing maigi sa Pilipinas ang megaphone diplomacy dahil ito ang nagpapahina sa China upang magbago ang desisyon nito.
Ayon kay Drilon, limitado ang kakayahan ng Pilipinas na matapatan ang lakas-militar ng China.
Habang kung mga polisiya naman ang pagbabasehan, dehado ang Pilipinas sa China dahil sa kanilang lakas pang-ekonomiya.
Sa ngayon, ilang Chinese maritime militia vessels na namataang umaaligid sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea noong April 27 at 29 ang naitaboy ng Philippine Coast Guard (PCG).