Megastar Sharon Cuneta, sumagot na sa netizen na nagsabing hindi niya kayang makipagsabayan sa mga sikat na aktres ngayon

Sumagot na si Megastar Sharon Cuneta sa isang netizen na nagsabing hindi niya kayang makipagsabayan sa mga sikat na aktres ngayon.

Nabatid na sa komento sa Instagram post ni Sharon nitong Linggo (March 14), ikinumpara ng netizen ang beteranang aktres at singer kina Bea Alonzo, Liza Soberano, at Anne Curtis, na bukod sa kanilang galing sa pag-arte ay kilala rin dahil sa kanilang taglay na kagandahan.

Sagot ni Sharon sa netizen, hindi maidadaan sa ganda ang kasikatan dahil hanggang ngayon ay tanyag pa rin siya.


Habang tinawag din nitong ‘engot’ ang nasabing netizen sa hindi pag-iisip, dahil kahit maraming maganda sa showbiz, iilan na lamang ang maituturing na queen.

Si Sharon ay 42 taon na sa show business kung saan nagsimula siya noong 12-anyos bilang isang mang-aawit.

Facebook Comments