Thursday, March 19, 2026

MEKANIKO, NAHULIHAN NG SHABU SA SISON, PANGASINAN

Nahulihan ng hinihinalang shabu ang isang mekaniko matapos arestuhin sa bisa ng search warrant sa Sison, Pangasinan madaling araw ng Marso 18, 2026.

Kinilala ang suspek na alyas “Watari,” 46-anyos, residente ng nasabing bayan at itinuturing na high-value individual.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Sison Police Station, katuwang ang iba pang yunit ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang anim na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱40,800, na nakalagay sa apat na plastic sachet.

Narekober din ang iba pang ebidensya tulad ng mga plastic sachet na may residue ng hinihinalang droga, mga aluminum foil, digital weighing scale, at isang pouch.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga kinakailangang saksi at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments