Mekaniko patay sa pamamaril kahapon sa lungsod

10

*Patay ang isang mekaniko matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem kaninang pasado alas siyete ng umaga sa dona theresa stret barangay Poblacion 4 ng lungsod.*
*Kinilala ang biktima sa pangalan Roy Nagudas 34 anyos at nakatira sa nasabing lugar, siyay nagtamo ng multiple gun shot wound sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa caliber 45 pistol na baril na naging sanhi ng agara nitong kamatayan.*
*Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1, abala umano sa pagkukumpuni ng motoksiklo ang biktima ng biglang nilapitan ng riding in tandem criminals at walang sabi-sabing pinaputukan ng baril.Nakita pa umano ng tatay ng biktima ang pagbaril sa kanyang anak..*
*Sa pahayag ni Teroy, ang ama ng mekaniko, maging siya ay nagulat sa insedente at hindi niya masyado namukhaan ang mga suspect..Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang inbestigasyon ng kapulisan at isa sa kanilang anggulong tinitignan ay baka may kaugnayan sa pagiging mekaniko niya na baka may nagalet sa kanyang pagkumpuni ng motor.*

Facebook Comments