Mekaniko, Timbog sa Pagtutulak ng Droga!

Cauayan City, Isabela- Natimbog ng pulisya ang isang mekaniko sa kanilang isinagawang drug buybust operation sa P-2, Brgy Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon mula sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office ( NVPPO), ang suspek ay nakilalang si Felix Son Catchico, 26-anyos, binata, mekaniko at residente ng Barangay Banggot, Bambang ng nasabing Lalawigan.

Narekober sa pag-iingat ni Catchico ang dalawang pakete ng pinaniwalaang shabu at marked money na Php.500 na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer, cellphone, camouflage sling bag at pulang motorsiklo na pinani niwalaang ginagamit sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.


Napag-alaman na si Catchico ay kabilang sa DI list ng PDEA.

Mahaharap sa kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Catchico.

Facebook Comments