Mekeni Foods Corp, posibleng masampahan ng administrative case dahil sa produktong positibo sa ASF

Mahaharap sa kasong administratibo na may kaparusang kanselasyon ng business permit ang Mekeni Foods Corporation.

 

Ito ang inihayag ng Food and Drugs Administration kasunod ng official confirmation ng DA-Bireau of Animal Industry na may ASF ang produkto ng Mekeni Foods na skinless longanisa at hotdog na nasamsam sa Port of Calapan noong nakalipas na buwan.

 

Ayon kay FDA OIC Dr. Eric Domingo, hinihintay na lamang ng ahensya ang paliwanag ng Mekeni dahil ito ang gagawin nilang batayan kung sasampahan ito ng kaso.


 

Pero sa ngayon aniya, malaking bagay ang self-recall  na ipinatupad ng Mekeni Foods Corporation sa lahat ng kanilang produktong pork na nasa merkado.

 

Nilinaw naman ni Dr. Ronnie Domingo ng DA-Bureau of Animal Industry na tanging mga produktong mula sa karne ng baboy lamang ng Mekeni ang apektado ng ASF.

 

Ligtas aniya ang iba pang processed food products na gawa mula sa karne ng baka at manok.

 

Inaalam pa sa ngayon kung galing sa lokal na baboy o sa imported pork nagmula ang ginamit na karne na napatunayang nagtataglay ng ASF.

Facebook Comments