Melai, itinulak ng nanay ng isang PBB evictee sa interview; parehong panig, nagsalita na

Courtesy of Pinoy Big Brother YouTube

Hindi ikinatuwa ng maraming netizens ang ikinilos ng nanay ng evicted Pinoy Big Brother (PBB) housemate habang iniinterview ni Melai Cantiveros.

Hindi kasi maikubli ang sama ng loob nito at tila yamot din habang hinihingian ni Melai ng reaksyon sa PBB journey ni housemate Diana.

Napansin din ng netizens ang mapuwersang pagkuha ng nanay sa mic at maya-maya pa ay parang itinulak palayo si Melai.


Nag walk-out din si mother bigla pagtapos sabihan ang anak na “come home.”

Humingi ng paumanhin si mother sa Facebook at nilinaw na sobrang emosyonal lamang siya nang mga oras na iyon.

Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang aktres at host na si Melai kaugnay ng kontrobersyal na interview.

Nagpasalamat si Melai sa lahat aniya ng concerned sa kaniya at nilinaw na hindi siya nasaktan at naiintindihan niya ang reaksyon ng nanay ni Diana.

Nakiusap din siya na tigilan na ang pambabash kay mother at nagkausap na umano sila matapos ang on-air interview.

Facebook Comments