Melatonin, sisimulan nang isalang sa trial sa ilang ospital sa Metro Manila at Cebu para sa severe COVID patients

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang trial na gagawin sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST) sa Melatonin.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay gagawin sa ilang ospital sa Metro Manila at Cebu sa loob ng apat na buwan kung saan layon nito na subukan kung kaya nang bawasan ang pangangailangan ng mechanical ventilator para sa severe COVID-19 patients.

Kinumpirma rin ng DOH na patuloy ang World Health Organization (WHO) Solidarity Trial for Drugs o mga investigational products na gamot para sa COVID-19.


Samantala, sumagot na ang DOH sa gagawing imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa naging paghandle ng DOH sa COVID-19.

Ayon kay Vergeire, bukas sila sa kahit ano mang imbestigasyon at tiniyak nito ang pakikipagtulungan ng DOH sa Ombudsman.

Iginiit din ni Vergeire na ang DOH ay naging transparent, maging sa procurement transactions o sa pagbili ng medical supplies at sa pagbibigay ng benepisyo sa healthcare workers.

Facebook Comments