Pagbobotohan na ng mga miyembro ng parliyamento ang Brexit Deal ni British Prime Minister Theresa May.
Ito ay matapos isagawa ni PM May ang kanyang final bid para kumbinsihin sila na suportahan ang planong pag-aaklas ng Britanya sa European Union (EU).
Pero may ilan sa Brexiteer ang tutol sa deal dahil hindi sapat ang inilatag na legal assurances ni PM May para mapigilan ang United Kingdom na maging “permanently tied” sa EU.
Base sa legal advise ni Attorney General Geoffrey Cox, na hindi pa rin nagbabago ang magiging legal risk ng UK sa pagkakatali nito sa EU.
Nabatid na nakatakdang umaklas ang UK sa EU sa March 29, 2019 matapos makakuha ng boto na aabot sa halos 48% hanggang 52% o katumbas ng 16.1 hanggang 17.4 million votes noong 2016.
Facebook Comments