Memes kaugnay ng Julia-Gerald issue, viral

2607

Matapos mag-trending sa social media ang umano’y “third party” nila Julia Barretto at Gerald Anderson, nakaisip naman ang mga netizen ng memes kaugnay dito.

Isa na rito ang “Kill This Love” ng K-pop girl group ng Blackpink kung saan pinalitan naman ng mukha ng mga orihinal na miyembro ng exes ni Gerald na sina Kim Chiu, Sarah Geronimo, Maja Salvador at Bea Alonzo.


Mayroon na itong 440,000 views, 14,000 reactions at 2,900 comments.

 

Mayroong edited version ng Raffy Tulfo in Action kung saan tampok naman sina Joshua at Bea, Julia at Gerald kasama si Raffy Tulfo na host ng show.

Ang iba naman ay pinalitan ng mukha nila Bea Binene at Joshua Dionisio na dapat ay sina Alonzo at Garcia.

Tampok din ang clip mula sa ASMR nila Julia at Gerald sa Youtube habang ipino-promote ang pelikulang Between Maybes.

Dito ay sinabi ni Gerald na “masarap at maalat” ang kinakain at sinang-ayunan ni Julia ng “parang ikaw”. Ang Facebook clip ay umabot ng 115,000 views.

 

May clip ding kinuha sa isang serye, kung saan tinanong ni Bea si Julia ng “May sasabihin ka?”

Naging magkasama si Bea at Julia sa isang teleserye na “A Love To Last” noong 2017.

Samantala, nanatili pa ring tikom ang bibig ni Julia at Gerald sa isyung ito. Matatandaan na lumabas ang “sweet photos” nila Julia at Gerald sa internet kuha noong birthday party ni Rayver Cruz, malapit na kaibigan ni Julia.

 

 

Facebook Comments
From Advertisers