Memes ni Daniela Mondragon, viral

Sa inilabas na trailer ng panibagong yugto ng Kadenang Ginto nitong Biyernes, maraming meme ni Daniela Mondragon, karakter na ginagampanan ni Dimples Romana, ang kumalat sa social media.


Sa scene na naglalakad si Daniela na may pulang luggage, damit at lipstick, inedit ito ng mga netizen sa iba’t ibang lugar tulad ng palengke, airport pati sa loob ng studio ng Idol Philippines at kasama ng iba pang celebrity.

Hindi na ito ang unang beses na nag-viral si Daniela Mondragon, kasama na rito ang kaniyang wig sa kadahilan ding marami ang naiinis sa kaniyang karakter na nagpapahirap sa buhay ni Romina at Cassie sa storya.

Narito ang trailer na ipinakita ang mga mangyayari sa susunod ng yugto ng Kadenang Ginto:

Facebook Comments