MEMO 32 | Komunista at oposisyon, pinagsabihan ng DILG

Manila, Philippines – Binatikos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga rebeldeng komunista at oposisyon dahil sa paglikha ng sarili nilang konklusyon sa intensyon ng inilabas na Memorandum Order 32.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi mangyayari ang deklarasyon ng martial law sa bansa na tututok lamang ang kautusan sa pagpapaigting ng presensya ng militar at pulis sa mga lugar kung saan aktibo ang insurhensya.

Aniya, sinabi na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte, na wala itong plano na palawigin ang pagpapatupad ng martial law sa buong bansa.


Binabaluktot ng mga komunista at oposisyon ang layunin ng Memo 32 upang takutin ang publiko.

Sa katunayan, ito ay para lamang mapadali ang pagkilos ng puwersa ng pamahalaan mula sa ibang bahagi ng bansa papuntang Bicol, Samar at Negros Island.

Samantala, sinopla din ni Año ang mga alegasyon na ang MO 32 ay hahantong sa mas maraming pang-aabuso dahil may mga safety net upang hindi malabag ang karapatang pantao.

Facebook Comments