Nilinaw ng Department of National Defense (DND) na epektibo lamang sa loob ng anim na buwan ang Memorandum Order no. 32 ng Malacañang.
Sa ilalim ng memo, magdadagdag ng pwersa ng militar at pulis para mapigilan ang paglaganap ng karahasan at mapaigting ang seguridad sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – hindi permanente ang pagtatalaga ng infantry battalions sa mga nabanggit na lalawigan pero maari silang magpadala ng special forces at rangers.
Nais aniya ng Pangulo ang reinforcement ng tropa sa lugar para maisulong ang infrastructure building program ng pamahalaan.
Makakatulong din ang dagdag pwersa para mahinto ang pagsasagawa ng Communist New People’s Army Terrorist (CNT) sa pag-atake.