Memo ng PNP sa profiling sa mga gurong kasapi ng ACT teachers, pinapabawi ng Makabayan

Manila, Philippines – Pinapabawi ng Makabayan Bloc ang memo ng PNP hinggil sa profiling sa mga gurong miyembro ng ACT Teachers Partylist.

Hiniling ng Makabayan sa Kamara ang agad na pagsasagawa ng pagdinig sa House Resolution 2233 para imbestigahan ang nasabing memo.

Kinundena ng grupo ang memo ng PNP na paraan umano para targetin ang mga organisasyon, partylists at mga kandidatong daladala ng mga progresibong grupo.


Ito anila ay posibleng may kinalaman pa rin sa pinalulutang ng pamahalaan na Red October.

Malinaw din na ito ay paglabag sa karapatang pantao at pagsuway sa election laws dahil ang mga kandidato at mga partylist groups ay sinasabing suportado ng mga komunistang grupo.

Maliban sa pagpapabawi sa memo ng PNP, inihahanda na rin ng Makabayan ang pagsasampa ng kaso sa mga pulis at mga superiors na nagpapatupad nito.

Facebook Comments