Manila, Philippines – Idineklara na ng Malacañang na walang pasok sa ilang government offices at institutions sa buong bansa sa January 2, 2019.
Ito ay sa pamamagitan ng Memorandum Order no. 54
Nakasaad sa memoranda, idineklara ang January 1, 2019 bilang regular holiday para mabigyan ang mga empleyado ng gobyerno ng buong oportunidad na ipagdiwang ang holiday kasama ang pamilya at mahal sa buhay.
Ang January 2, 2019 ay idineklarang walang pasok sa mga government offices sa buong bansa, kasama ang government-owned and controlled corporations, government financial institutions, State Universities and Colleges at Local Government Units (LGUs).
Ang pagsususpinde naman ng trabaho sa ibang sangay ng gobyerno at hiwalay na komisyon, maging sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nasa desisyon na ng mga heads o management.