Memorandum na layong pabilisin ang operasyon ng mga delivery truck sa pag-deliver ng produkto sa bansa, nakatakdang ilabas ng pamahalaan sa Lunes

Posibleng ilabas ng pamahalaan sa Disyembre 5, Lunes ang isang memorandum hinggil sa panawagan ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP).

Partikular kasi na problema ng CTAP ay ang mga terminal appointment booking system; passing thru fees sa International Container Terminal Services (ICTSI); Local Government Unit (LGU) at travel permit; shipping lines container deposits at truck ban.

Sa isang panayam, sinabi ni CTAP President Mary Zapata na hanggang Lunes nila hihintayin ang ilalabas na kautusan ng gobyerno na layong makatulong upang mabilis ang kanilang operasyon.


Dagdag pa ni Zapata, ang kanilang samahan ay nagsisilbing frontline defense ng bansa sa pag-a-angkat at paglalabas ng mga produkto.

Kaya naman, malaki aniya ang responsibilidad ng kanilang grupo lalo na ngayong holiday season.

Samantala, nilinaw ni Zapata na wala silang balak magkasa ng malakihang holiday truck protest dahil masisira ang kanilang operasyon at magdudulot ito ng mas maraming problema.

Facebook Comments