MEMORANDUM OF AGREEMENT | Delegasyon ng DFA, nakatakdang dumating sa Kuwait sa Huwebes Santo

Manila, Philippines – Nakatakdang dumating sa Kuwait ang mga delegasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Huwebes (March 29).

Ito ay para makipagpulong sa mga Kuwait officials para pag-usapan ang kapakanan ng mga OFW sa Kuwait maging ang umiiral na deployment ban sa mga newly hired na Pilipinong manggagawa.

Ayon sa DFA, magkakaroon ng ikalawang round ng joint bilateral talks sa susunod na buwan para maisapinal ang mga probisyon ng memorandum of agreement para sa proteksyon at deployment ng mga OFW sa Kuwait.


Bago ito, binigyan ng DFA ang mga undocumented OFW hanggang April 12 na magparehistro para sa repatriation sa ilalim ng amnesty program ng Kuwait.

Sa huling datos ng DFA, aabot na sa 3,668 na OFW ang nakauwi na ng Pilipinas habang nasa 6,000 pa ang hindi nagpaparehistro para sa repatriation.

Facebook Comments