Memorandum of Agreement, nilagdaan ng MMDA at DILG para sa pagmamantina at paglilinis ng mga kalye

Manila, Philippines – Lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang MMDA at ang Department of Interior and Local Government para tiyakin na nakikipagtulungan sa kanila ang mga barangay opisyal sa pagmamantina at paglilinis ng mga kalye.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, papatawan ng suspensyon at sasampahan ng kaso sa Ombudsman ang mga barangay official na kumukunsinti sa illegal parking at illegal vendor sa kanilang nasasakupan.

Matatandaang pitong barangay chairman sa lungsod Quezon ang sinampahan ng kaso ng MMDA sa Ombudsman dahil sa ilang traffic obstruction.


Facebook Comments