MOA para sa International PATAFA, pormal nang pinirmahan!

*City of Ilagan, Isabela* – Pormal ng pinirmahan ng pamahalaang panlungsod ng Ilagan City at pamunuan ng Philippine Athletic Track And Field Association (PATAFA) ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa gaganaping International PATAFA Event sa darating na Marso 1 – 8, 2019.

Pinagunahan ni Mayor Evelyn C. Diaz, maging ang pamunuan ng PATAFA ang pagpirma sa nasabing MOA noong sabado, Enero 19, 2019.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Public Information Officer, kanyang kinumpirma na muling itinalaga bilang punong-abala ang Lungsod ng Ilagan sa gaganaping isa sa pinakamalaking aktibidad na lalahukan ng labing isang bansa para sa naturang kumpetisyon.


Aniya, puspusan na ang ginagawang paghahanda at inaasahan ang gaganaping pagdiriwang na magiging masaya at matatapos ng mapayapa.

Samantala, hinihikayat naman ni Ginoong Bacungan ang lahat na makiisa, dumalo at manood para sa kanilang ihahandang malalaking aktibidad.

Facebook Comments