Lumagda ngayong araw sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang National Amnesty Commission (NAC) at Philippine National Police (PNP) na layong makamit ang epektibong implementasyon ng Amnesty Program ng pamahalaan.
Hangad din umano ng kasunduang ito na patatagin ang ugnayan ng dalawang ahensiya at isulong ang mga pangkapayapaang programa ng gobyerno.
Kabilang sa mga dumalo at pumirma ay sina NAC Commisioner Atty. Jamar Kulayan, NAC Chairperson Atty. Leah Tanodra-Armamento, PNP Acting Chief of the Peace Process and Development Pol. Col. Joseph Arguelles, at PNP Acting Deputy Chief for Operations Pol. Lt. Gen. Michael John Dubria.
Ayon kay Gen. Dubria, titiyakin ng PNP na hindi maaaresto ang mga susukong rebelde na nais mag-apply ng amnestiya.
Sila umano ang kaagapay ng NAC sa pagbabahagi ng safe conduct pass sa mga rebeldeng susuko, na maaaring i-release sa loob ng 24 oras matapos makapag-file ng application.
Buo rin umano ang suporta ng dalawang ahensiya sa mga susunod pang proyektong nais isulong ng pamahalaan.