CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng mga pagpupulong at konsultasyon ang National Irrigation Administration (NIA) alinsunod sa patakaran ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa ilalim ng Administrative order No. 3 series of 2021.
Ang aksyon na ito ay dahil sa paggawa ng makabagong Nueva Vizcaya Bagabag Irrigation System (NVBIS) na maaaring makasaklaw sa lupain ng mga Gaddang sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sinelyuhan naman kamakailan ng NIA, NCIP, at Nueva Vizcaya Gaddang Indigenous People Organization (NVGIPO) ang Memorandum of Agreement (MOA) bilang pagpapakita at pagbibigay respeto sa karapatan ng mga katutubong Gaddang sa lupain ng kanilang mga ninuno.
Facebook Comments