MEMORANDUM OF UNDERSTANDING | Labor Secretary Silvestre Bello III, umaasang matutuloy pa rin ang paglagda ng Pilipinas at Kuwait

Manila, Philippines – Positibo si Labor Secretary Silvestre Bello III na matutuloy ang paglagda ng Pilipinas at Kuwait sa Memorandum of Understanding (MOU) na magbibigay proteksyon mga OFWs.

Ayon kay Bello, hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan siyang pumunta sa Kuwait para ayusin ang gusot na kinasangkutan ni Ambassador Renato Villa.

Sa ngayon kasi, nakabinbin ang negosasyon sa Memorandum of Understanding (MOU) dahil sa ginawang expulsion ng Kuwait kay Ambassador Villa matapos na mag-viral ang video ng pag-rescue sa ilan nating kababayan kung saan umalma dito ang Kuwaiti Government.


Nabatid na proteksyon sa mga migrant worker ang isa mga nais isulong ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa 32nd ASEAN Summit sa Singapore.

Sabi ng Pangulo, iaanunsyo niya sa kanyang pagbabalik bansa mamayang gabi sa Davao ang kahahantungan ng Memorandum of Understanding (MOU) at gusot na kinasangkutan ni Ambassador Villa.

Facebook Comments