Memorandum sa dagdag na sweldo ng mga nurse, dapat na ipatupad na ng lahat ng mga government hospital

Nanawagan si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Department of Health (DOH) na ipatupad na ang kautusan ng Malakanyang na dagdagan ng ₱3,053 kada buwan ang sahod ng mga nurses sa lahat ng mga government hospitals.

Ginawa ng kongresista ang apela matapos na mapag-alaman na ang mga nurses sa Veterans Medical Memorial Center (VMMC) ay naghihintay pa rin sa kanilang dagdag na salary increase.

Giit ni Defensor, dapat na obligahin ng DOH ang mga pagamutan na sumunod sa memorandum na inilabas noong June 1, 2021 na nagbabaligtad sa demotion na ginawa ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga government nurses.


Malinaw rin sa kautusan na iangat sa Nurse II ang mga nursing personnel na ilang taon nang Nurse I at i-upgrade ang sahod mula sa Salary Grade (SG) 15 sa Salary Grade 16.

Dapat ngayon aniya ang hiring rate sa mga government nurses ay tumaas na sa ₱35,097 (SG 15) habang ang mga Nurse II naman ay dapat nasa ₱41,172 (SG 16) mula sa ₱38,150.

Ang mga ospital at Local Government Units (LGUs) na hindi pa tumutupad sa memo ng tanggapan ng pangulo ay dapat mag-comply na ngayong buwan lalo’t mayroon nang bagong budget para dito.

Facebook Comments