Memorandum sa pagbiyahe malapit sa Bulkang Taal, inilabas na ng gobernador ng Batangas

Naglabas na ng memorandum si Batangas Governor Hermilando Mandanas kaugnay sa pagbabawal sa pagbiyahe sa mga high-risk area na nasa layong 7 kilometro malapit sa bunganga ng Bulkang Taal.

Ito ay ang Memorandum Circular No. 01 Series of 2021, na nagbabawal sa mga motorista at sasakyan na bumiyahe papuntang Barangay Banyaga at Bilibinwang sa Agoncillo town at sa Barangays Buso-buso, Gulod at Bugaan sa silangang bahagi ng Laurel town.

Kasama rin sa kautusan ang pagbabawal sa pagsasagawa ng staycations, pagtungo sa mga recreational area at resorts, camping, sunbathing, pag-swimming, pagpiknik, island hopping, group water activities, pagpa-party at iba pang kahalintulad na aktibidad.


Ang mga indibidwal o grupo naman na mayroon ng reservations sa mga hotels o resort ay pinapayuhang ipagpaliban muna ito o sumailalim muna sa refund.

Exempted naman sa kautusan ang mga akreditadong ahensiya ng Department of Tourism (DOT).

Pinapayuhan naman ang mga non-essential travel na gumamit ng use of Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS).

Facebook Comments