Menor de edad arestado dahil sa pagbebenta ng shabu

Arestado ang isang 12 anyos na batang lalaki matapos masangkot sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa area ng Station # 4 kagabi.

Sinasabing agad na nakatakas ang mga main target sa ikinasang drug operation sa Manday Area ngunit naaktuhan ang bata na may bitbit na sachet ng shabu na nag kakahalaga ng 500 pesos sa panayam ng DXMY kay Station 4 Commander CINS Tirso Pascual .

Agad namang inamin ng bata na napag utusan lamang siya kapalit ang bente pesos sa bawat sachet ng shabu na kanyang dinadala at nabebenta. Agad nya ring kinilala ang mga nag uutos sa kanya.


Nakatakda namang iturn over sa DSWD ang naarestong bata na sinasabing out of school youth na hirap magbasa at magsulat.

Facebook Comments