Menor de Edad, Arestado sa Buy Bust!

Bayombong, Nueva Vizcaya – Arestado ang isang menor de edad matapos magsagawa ang PNP Nueva Viscaya at PDEA ng buy bust operations sa Barangay Don Tomas, Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay itinago sa pangalang Harvey, disisais anyos, grade 10 at residente ng naturang bayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Nueva Viscaya sa RMN Cauayan News Team, huli umano sa akto ang suspek habang binebentahan ang isang agent na nagpapanggap na buyer.


Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang tatlong sachet ng marijuana, isang piraso ng limang daang piso na ginamit bilang buy bust money at isang piraso na bente pesos.

Agad namang nakumpiska ang mga narekober na ebidensya at dinala sa PNP crime laboratory samantalang duinala naman si Harvey sa kustudiya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments