Menor de Edad, Arestado sa kaso ng Iligal na Droga

134

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang menor de edad na Top 1 Wanted Person Municipal Level sa ikinasang manhunt bravo sa Brgy. San Felipe, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na itinago sa pangalang “Totoy”, 16 anyos, binate, estudyante at residente ng Brgy. Soyung sa nasabing bayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Echague sa pangunguna ni P/Maj. Darwin John Urani, Office-in-charge katuwang ang Provincial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office (PIB-IPPO), inaresto ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Bonifacio Ong ng RTC Br. 24 Echague Isabela na may petsang Setyembre 18, 2019 para sa kasong RA 9165.

Inirekomenda naman ng korte ang pansmantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng nagkakahalaga ng (P200,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang menor de edad para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments