Menor De Edad, Arestado sa Kasong Pagnanakaw

77

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang menor de edad na Top 9 Wanted Person matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. 4, San Mateo, Isabela.


Kinilala ang akusado na itinago sa pangalang Ejay, 17 anyos, out-of- school-youth na residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Mateo, dinakip ang akusado matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Eric Banasan ng MTC San Mateo para sa kasong Pagnanakaw na may petsang October 25, 2019 sa ilalim ng criminal case no.19-10-050.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P6,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang menor de edad para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments