Menor de Edad at 6 na iba pa, Huli sa Aktong Pagsusugal sa Cagayan

65

Cauayan City, Isabela- Timbog ang 6 na katao at 1 menor de edad sa ikinasang operasyon ng pulisya ngayong hapon matapos maaktuhan na nagsusugal sa Solana, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Marilyn at Jen, kapwa 32-anyos; Emy, 27-anyos, isang saleslady; Arjay, 20-anyos; Juliet, 27-anyos, Sheila, 22-anyos at isang 17-anyos na kinilalang si alyas ‘Cherry’ at kapwa mga residente ng Brgy Andarayan North, Solana, Cagayan.


Dinakip ang mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng PIU CPPO and 204th Mobile Company, RMFB2 at Solana Police Station dahil sa iligal na aktibidad.

Ayon sa ulat ng Solana Police Station, may ilang lugar sa Bayan ng Solana ang patuloy na binabantayan dahil sa iligal na aktibidad sa kabila ng kampanya laban sa iligal na sugal.

Naaktuhan ang bilang ng mga suspek na naglalaro ng ‘Pepito’ at ‘Tong-its’

Umaapela naman ang hepe ng pulisya sa publiko na nanatili pa rin sa General Community Quarantine ang kanilang lugar kaya’t mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng iligal na sugal.

Inaalam naman ngayon kung ang nasabing mga suspek ay kabilang din sa mga tumanggap ng ayuda para sa posibleng pagtanggap sa listahan ng mga ito.




Facebook Comments