MENOR DE EDAD AT ISA PANG LALAKI, ARESTADO SA KASONG RAPE

60

Cauayan City, Isabela- Naaresto na ng mga alagad ng batas ang dalawang wanted sa batas na kabilang sa Top Most Wanted person sa Provincial at municipal level sa magkahiwalay na bayan sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto ng mga kasapi ng PNP Echague ang Top 6 most wanted municipal level na si John Wayne Gamal, 31 taong gulang, trabahador, at residente ng Brgy. Sandiat, San Manuel, Isabela.

Nadakip si Gamal sa mismong barangay nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Nicasio Bautista III ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong rape o panggagahasa.


Nasa kustodiya ng PNP Echague ang akusado at anumang araw ay ipapasakamay ito sa court of origin.

May inirekomendang piyansa ang korte na halagang Php120,000.00 para sa pansamantalamg kalayaan ng akusado. Samantala, natimbog rin ng PNP Ilagan City ang isa pang wanted sa kasong panggahasa na itinuturing na Top 8 most wanted sa provincial level.

Kinilala ang akusado na si Bernardo Tolentino Jr, 16 taong gulang, at residente ng Baguilian Norte, City of Ilagan, Isabela.



Sa bisa ng warrant if arrest na ipinalabas ni judge Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18, 2nd judicial region, Ilagan City, Isabela ay nahuli ang akusado sa pinagtaguang lugar sa brgy. Zone 2, San Mariano, Isabela na nagtrabaho bilang isang helper ng hardware sa palengke.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kasong rape ng naturang menor de edad.

Dinala sa himpilan ng Ilagan City Police station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments