Menor de edad at isang lalaki, sugatan matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Tondo

Tondo, Manila – Sugatan ang isang menor de edad at kasama nito matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa may riles ng tren sa Daang Bakal sa Tondo, Maynila.

Pawang tama ng bala sa binti ang natamo ni Consolacion Mariano, 57 taong gulang at ang 16-anyos na binatilyo na hindi na pinangalanan pa.

Ayon sa mga saksi, nakatayo lamang sa gilid ng riles ng tren ang menor de edad nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang riding in tandem.


Sinasabing pinrotektahan ni Mariano ang binatilyo, kaya nasugatan din ito sa insidente.

Nakuha mula sa lugar ang dalawang basyo ng kalibre .45 at tatlong basyo ng 9mm.

Hinala ng pulisya, tumakbo na lang ang mga suspek dahil narekober pa nila ang motorsiklong ginamit ng mga ito.

Inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad ang motibo ng krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments