Menor De Edad, Ginahasa ng Step-Father na Tulak ng Droga!

301

Jones, Isabela – Isang menor de edad ang biniktima ng top 4 most wanted sa Jones, Isabela na natimbog sa Barangay Alag, Aguinaldo, Ifugao kamakailan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rex Pascua ng PNP Jones, na labing tatlong taong gulang at Step daugther ang ginahasa ni Rodrigo Miguel noong taong 2014 sa Barangay Diarao, Jones Isabela at nagtago ng matagal sa Barangay Alag, Aguinaldo, Ifugao kung saan ay natimbog naman ng kapulisan.


Sa pagkakahuli kay Rodrigo Miguel ay nakuhanan din ito ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Sinabi pa ni Inspector Pascua na natapos na kaninang umaga ang inquest sa panibagong kaso ni Miguel at nakatakda na ring dadalhin sa BJMP.

Matatandaan na nahuli si Miguel sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 ng Echague, Isabela sa kasong 3 counts of rape.

Samantala ang menor de edad ay nasa piling na ng kanyang tunay na ama kasama ang bunga ng panghahalay na nasa mahigit tatlong taong gulang na ang bata.




Facebook Comments