Menor de Edad, Kalaboso sa kasong Panggagahasa!

130

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na naaresto ng mga kasapi ng PNP Cauayan City ang isang binatilyo dahil sa kasong panggagahasa matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip ng Cauayan City Police Station ang menor de edad na itinago sa pangalang “Mark”, tindero at residente ng nabanggit na lugar sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Ariel M. Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Rape.


Nasa himpilan na ng pulisya ang binatilyo para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments

From Advertisers