Menor de edad na ginagamit sa pagtutulak ng droga, nasagip ng QCPD

31

Nasagip ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang 12-anyos na batang lalaki na ginagamit sa pagtutulak ng droga, ito’y matapos na matimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Novaliches Police Station ang dalawang drug pusher.


Kinilala ang mga naarestong drug suspects na sina Joselito Natan at Jefferson Gacula, residente ng Brgy. Nagkaisang Nayon.

Isinagawa ang buy-bust sa No. 72 Pulong Gubat, Sitio Damong Maliit, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Nakuha sa mga ito ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na a ₱136,000.00, buy-bust money at cellular phone na gamit sa transaksyon.

Facebook Comments