
Isang 16 anyos na menor de edad ang na-rescue ng National Bureau of Investigation (NBI) sa San Fernando, La Union matapos itong pagtrabahuhin sa bar ng kanyang recruiter.
Kasabay nito ang pagkaka-aresto sa tatlong human traffickers.
Nag-ugat ang operasyon ng NBI matapos na makatakas ang dalawang biktima na ipinasok sa bar ng mga recruiters.
Nabatid na ni-recruit sa Bukidnon ang mga biktima at pingakuan ng trabaho sa restaurant sa Maynila.
Pero sa halip ay dinala sila sa La Union at pinagtrabaho bilang bar girls.
Pinagagawa rin ang mga biktima ng sexual acts sa customers kapalit ng bayad na P1,500.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong Qualified Trafficking in Persons.
Ang menor de edad naman na na-rescue ay hawak na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).










