Menor de edad na nag-akusa ng rape laban sa isang abogado at brodkaster natagpuan na

925

Natagpuan na at nakabalik na sa kaniyang mga magulang ang isang 13 taong gulang na menor de edad na unang nag-akusa ng rape sa isang abogado at komentarista sa lungsod ng Cebu .
Sa pamumuno ng mga personnel ng RMN –Cebu News team , natagpuan ang bata sa Barangay Umapad sa lungsod ng Mandaue sa pamamagitan ng mga larawan sa kaniyang Facebook .
Halos mag-iisang linggo na nawawala ang bata nang umalis itong bigla at hindi nagpalaam sa kaniyang ina , habang sila ay dinala ng National Bureau of Investigation -7 sa “pink room” ng isang ospital kung saan sila sumasailalim sa psychological examination bilang bahagi ng isinampa nilang kaso laban sa abogado at brodkaster ng estasyong Brigada News-FM .
Sinampahan na ng kasong “rape” ang lawyer-broadcaster na si Atty. Juril Patiño matapos akusahan ng biktima na nangmolestiya sa kaniyang noong unang linggo nitong buwan ng Hulyo .

Facebook Comments