Menor de Edad na Nagnakaw sa Sementeryo, Huli; Marijuana, Nasamsam!

66

*Cordon, Isabela- *Natiklo sa pagnanakaw ng kabaong ang isang menor de edad na lalaki habang nakatakas ang dalawa pang katao partikular sa sementeryo ng Brgy Turod Sur, Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, itinago sa pangalang “Mark” ang 17 anyos na binatilyong nahuli ng mga otoridad na taga Barangay Villa Cardenas, Saguday, Quirino.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cordon, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen si PO1 Pilar Paleg hinggil sa nakitang tatlong kalalakihan sa loob ng Iglesia Filipina Independiente cemetery na nagnanakaw ng kabaong.

Agad namang tumugon ang PNP Cordon sa naturang sementeryo na nagresulta sa pagkaka-aresto ng binatilyo habang nakatakas naman ang dalawa pang lalaki.

Habang isinasailalim sa body search si “Mark” ay nakuha mula sa kanyang bulsa ang isang ziplocked plastic na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cordon ang binatilyo para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers